"Operation Paglingap" Bagsik ng Habagat

   

August 11, 2012, Baseco, Manila

Sa panahon po ngayun, ang tumulong sa kapwa ang pinakamahalagang gawain na dapat nating gampanan.  Alam ko po na ang ating Rotary ang siyang kasangkapan para mapatupad itong lahat.

 

Ang aming pong club ang RC Manila 101 ay tumugon sa hamon po ninyo na gumawa ng relief operations na tinawag naming "Operation Paglingap" Bagsik ng Habagat.

 

Meron pong mahigit sa 1,500 beneficiaries ang nakatanggap ng iba't ibang relief goods, na ipinamahagi namin sa aming adopted community sa Baseco nuong August 11, 2012. Madami rin pong kabataan ang nabigyan ng tulong na galing po sa mga miyembro ng aming samahan.

 

Nagpapasalamat din po kami sa Inner Wheel Club of RC Manila 101 kay Pres. Amy Garcia at sa RC Pasay MOA sa pangunguna ng aking classmate na si PbP Dolly at RC Pasay North na si Classmate PbP Jose na nakipagtulungan din po sa amin.

 

Meron pa po kaming Part II at ito po ang pamamahagi ng 1,000 additional na banig po sa Baseco na hiniling po ng mga residente duon karagdagan po sa naunang ipinamahagi na namin.

 

Muli po salamat sa lahat at sa muling pagkikita.

 

PbP Manny Pacquiao

RC Manila 101